Para sa ating mga Pilipino, ang Pasko ay ang
pinakakaabang-abang na pagdiriwang sa lahat. Bagamat nagdididwang din naman ng
Pasko ang ibang mga bansa at may sarili silang mga tradisyong sinusunod tuwing
Pasko, masasabi pa din nating iba pa rin
ang Paskong Pinoy.
Ang mga Pilipino na yata ang may pinakamahabang
pagdaraos ng Pasko. Pagtungtong pa lang sa kalendaryo ng “-Ber Months” ay makikita mo nang nag-ka-countdown ang mga TV stations
kung ilan araw na lang bago sumapit ang araw ng Pasko. Kasabay nito, maririnig
natin sa radyo at mga mall ang mga Christmas carols, ‘di pa man dumadaan
ang Undas, Paskong pasko na. At tumatagal ang pagdiriwang natin ng Pasko hanggang
sa Pista ng Tatlong Hari sa Enero. Talaga nga namang napakahabang pagdiriwang!Masasalamin sa paraan ng paghahanda ng mga Pilipino ang pagiging malikhain natin. Nandiyan ang mga plaza, kabahayan, at simbahan na panigurado ay nakagayak ng samu’t saring deskorasyong pasmasko tulad ng life-size na belen, mga nagkikislapang mga Christmas lights at mga nagsabit na parol na gawa sa iba’t ibang materyales. Kadalasan ay may mga pa-contest din sa bawat barangay sa pinakamagandang Parol o Chirstmas Tree.
Hindi mawawala sa Paskong Pinoy ang simbang gabi at ang paniniwala natin na kapag nakumpleto natin ang siyam ba gabi ng pagsisimba ay matutupad ang ating kahilingan. Nagsusulputan din sa tabi-tabi ang mga stalls na nagtitinda ng puto bumbong at bibingka. Ayus na ayos ito para sa mga nagsisimbang gabi na gustong mag alis ng antok.
Buhay na buhay ang mga tiangge na nagbebenta ng mga pang-exchange gift dahil siguradong may mga Christmas parties na magaganap sa mga eskwelahan at mga opisina. Umpisa na din ng paghahanap sa mga ninong at ninang para sa Aguinaldo. Kabi-kabila rin ang mga nag-bahay-bahay na may dala-dalang gitara, tambol na lata, at tambourine na gawa sa piniping tansan at alambre upang mangaroling. Kahit wala man sa tono o hindi kabisado ang lyrics, para sa esensya ng kapaskuhan, sige lang.
Tunay nga namang ibang iba ang Paskong Pinoy. Ikaw, may kwentong Paskong Pinoy ka din na nakuha sa isang larawan at nais ibahagi? Pagkakataon mo
No comments:
Post a Comment